Wednesday, November 15, 2006

MY FAITH




Ang mga pagsubok na dumarating sa buhay ng tao ay
may
Iba’t ibang dahilan. Una, maaaring ito ay bunga
ng mga
nagagawa nating kasalanan at pagkukulang sa
buhay.
Anomang bagay na labag sa tuntunin ng Diyos
ay may
kapalit at kaakibat na palo at pagtutuwid.
Maaaring
minsan o madalas ay maramdaman natin na
parang
nag-iisa na lang tayo sa buhay.

Kung magkaminsan ay
naitatanong natin sa ating sarili,
"bakit sila masaya?"
bakit ako malungkot? Lagi na
lamang bang ganito ang
buhay ko? Ang ilang tao ay
nahuhulog pa sa pag-iisip
ng kung anu-ano gaya ng
wakasan na lang ang buhay.
Ang bawat suliranin ay
may katapat na lunas. Ang
kalungkutan ay larawan
ng darating na ligaya sa
hinaharap. Huwag nating
ipagkamali na kailan man na
ang mga suliranin sa
buhay ay kaaway natin. Hindi!.

Bagkus ang mga ito ay katuwang natin upang lalong
tumatag at magkaroon ng karanasan sa buhay na kung ano
man ang mangyari o dumating pa ay may karanasan na
tayo ay atin na itong malalampasan.

Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas; kaligayayan,
katanyagan, kapurihan, kapangyarihan, at iba pa. Kung
paanong ang mga mabubuting bagay na ito ay dumarating
sa buhay natin at nawawala rin, ganun din ang mga pagsubok
sa buhay, suliranin, kalungkutan at kabiguan sa buhay.
Ang buhay ay parang gulong, patuloy na umiikot,
masaya, malungkot, sagana, nagdarahop, pag-asa,
kawalan ng pag-asa, ngiti, at pagluha. Na kung minsan at
ating wawariin ay tila baga napakahirap harapin.

Tandaan mo kaibigan, lahat tayo ay nakararanas ng mga
suliran. Saan lamang tayo naiiba? Sa pagdadala ng mga ito.
Masarap mabuhay, lalo na kung nakapaglilingkod tayo sa
Diyos. Kung naitatanong man natin minsan sa ating mga
sarili na tila baga pinababayaan Niya tayo, nasa atin
ang pagkakamali. Marahil, hindi pa lubusang nakikita
ng Dios sa atin ang taos puso na pagbabago at panunumbalik
sa Kanya. Kung mayroon mang nakaaalam ng nilalaman ng
ating puso ay ang Diyos. Wala tayong maililihim sa Kaniya.
Kaya sa lahat ng suliranin, pagsubok, gaano man kahaba o kaikli,
inihingi natin ng lunas mula sa Dios...



Puso ang kaniyang titingnan at kung gaano ang ating
katapatan sa lubos na pagsunod sa kanya
tungo sa
pagbabagong buhay.
Lagi nating salaminin ang ating
sarili tuwing
makadarama tayo ng kalungkutan.
Higit sa lahat, ang Diyos ay di umiidlip. Gumagamit
Siya ng mga kasangkapan upang tayo ay tulungan,
aliwin, at alalayan sa lahat ng pagkakataon at panahon
ng ating buhay.

ANG PAYO KO SA YO KAIBIGAN: Magpatuloy ka anoman ang
balakid sa buhay. Hindi ang sanglibutan ang tutulong
sa iyo, hindi ang kaibigan, na ang hangad lamang ay
gamitin ka sa sariling kapakinabangan, hindi ang
hanapbuhay na maglalayo sa iyo sa Diyos, hindi ang
inggit ng ibang tao, hindi rin ang pagnanasa nila na
maibagsak ka o hadlangan ka, hindi rin ang pagbabalik
sa madilim na nakaraan!


Ang tutulong sa iyo, ang sarili mong pagpapasya.
Ang
Pasya mo......
MANUMBALIK SA DIYOS, IYON ANG TAMA.

ANOMANG DAPAT HUMADLANG SA YO, MANINDIGAN KA GAANO MAN
KAHIRAP, ANOMAN ANG SAKIT NG LOOB NA MARAMDAMAN MO,
MAGPATULOY KA, GUMAPANG KA, PILITIN MO, LULUHA KA,
MASASAKTAN KA, MAGDARAMDAM KA, BAHAGI NG BUHAY YAN,
SUBALIT PAKATANDAAN MO... LAHAT AY MAY HANGGANAN!

Klaudia Koronel

3 comments:

Anonymous said...

Very inspiring...naiyak tuloy ako.

Anonymous said...

di ako sure kung ikaw po yung naging guest ko sa restaurant pero talagang maganda ka pala, very inspirational pa ang istorya ng buhay mo. parang naguilty tuloy ako sa panonood ko ng mga skinflicks dati! saludo ako sa yo, m' klaudia.

Zylly Hymn said...

hello po ms klaudia. INC rin po ako dito sa lokal ng bclod. im also suffering trials and difficulties in life. tama ka nga, bunga nga mnsan ng ating pgkkasala at mga pgkukulang kng bkt tau ngkkroon ng mga suliranin sa buhay. im in the process of healing myself. gabi2 po akong ngpapanata na sana maibsan na lhat ng mga suliranin q sa buhay. in god's time i know, mkkamtan q rin lhat ng mga ksagutan sa aking mga pnalangin. ang tanging mgagawa q lamang ngayon ay manindigan at manghawak na anumang dumating sa buhay q nariyan lagi ang diyos. your story is an inspiration to many. Muli ko tong babalik balikan. God bless you more.