Thursday, February 19, 2009

Aking talambuhay


Nais kong ikwento ng ang king buhay. Buod lamang at sinisipi ko ang bawat yugto na lumipas sa aking buhay.Kung ano lang naaalala ko, Ito lamang ang ibabahagi ko sa inyo. Malungkot,kasiyahan at kabiguan lamang ang mga naalala natin. kaya sit back ang relax...

Tawaging nyo na lang ako na "FEY" Milfe Dacula ang tunay kong pangalan. Siguro nagtataka kayo kung bakit Milfe ang name ko. Walang katulad at kakaiba pero simple. Kwento ng papa ko.Mula daw yan sa dati nyang mga kasintahan na si Glorife at Milba. Nais kase ng mom ko Irish ang nais nyang ipanangalan sa akin.Siguro dahil Irish spring ang sabong mabango ng mama ko. Pero dahil sa kahilingan ng papa ko. pumayag ang mom ko. Dahil remembrance daw. 17 years old ang mama ko ng pinagbubuntis nya ako. Ipinanganak ako sa Zambonga del sur. Nong bata daw ako sakang ako maglakad. Ginawa ng papa ko. Itinatali nya ang dalawang binti ko na magkadikit para di maging sakang ng tuluyan. Sabi din ng magulang kaliwete ako. Itinatali ng papa ko ang kaliwang kamay ko o kaya lagyan ng siling labuyo ang kaliwang kamay ko para maasanay na maging kanan ako. kase sabi ng papa ko mahirap daw maging kalewete kagaya nya.

6 years old gusto na ako papasuking ng ama ko sa grade one.kaya kahit ayaw akong tanggapin ng teacher napapayag ng magulang ko. Pero laking tuwa ng guro ko na ako ang pinaka madunong sa klase.Ang buhok ko noon at parang bunot ang gupit ayon din sa kagustuhan ng papa ko. Lumalalakad ako ng milya milya makarating lang sa school. Tuwing umaga hinahampas ako sa ulo ng unan ng papa ko .Para daw di maging matigas ang ulo ko. Minsan naman sang katirbang maning sariwa naman ang pianapakain sa akin.Para daw maging matalino ako. naalala ko na ang bahay namin ay kubo sa isang bundok na pinalilibutan ng maraming halamang gulay at mga puno. Pinakapaburito ko ay puno ng guyabano. lagi ko noon kinakakain ay bunga ng ipil ipil. pagkahapon namamasyal ako sa isang bundo pero patag ito. Nalalanghap ko ang sinoy ng hangin. Simpleng buhay pero nakakain naman ng maayos.Masipag ang mama ko magtanim kaya doon na din kami sa hardin nya kumukuha ng kakainin sa pang araw araw. Masipag ang papa ko bilang Karpintero.


Dumating ang di ko inaasahan isang araw nag away ang magulang ko. Pero di na bago ito pandinig dahil lagi naman sila nag aaway. pero nang oras na iyon di na maganda ang paga-away nila at nauwi na sa hamunang hiwalayan. dalawa pa lang kaming magkapatid. Si jr pangalawa kong kapatid. Pinamimili kami kung saan kami sasama kay papa o kay mama.Si jr si mama ko ang pinili nya at yon ang din ag nais ko. Per dahil panganay ako ang pinagbubutungan ng papa ko. Sa t'wing tatanungin nya ako kung kanino ako sasama.Isang malakas na hapas ng waling tingting ang lalatay sa katawan ko dahil si mama ang pinipili ko. Masaki man na iwan ang mama ko. Wala aong amgawa. Masakit ,malungkot at yon na ata ang unang kabiguan na naranasan ko bilang bata.



Sa barko impit ang hikbi ng pag-iyak. pero kailangan itago ang mga luha. Kailangan maipakita sa papa ko na masaya ako sa desisyon ko na sya ang pinili ko. Di ako makatulog.babangon at iiyak kapag alam ko na tulog na ang aking ama.Nasasaktan ako...kaya dapat akong umiyak. nangungulila ako sa aking inang mahal....Saan na kaya ang mama ko? kamusta na kaya sya? Yan ang paulit ulit na sambit ko sa aking isipan. Dahil unang beses pa lang ako nakasakay sa barko, nahihilo ako at sumsama ang sikmura ko mamaya sumusuka na ako.Umaga, nasa daraungan na kami ng iloilo. Hanggang narting na namin ang isang lugar.Di rin anman nalalayo sa Zamboang probinsya pa rin. Ngunit lahat ng matatanaw ko ay sakahan at matatanaw mo din ang matatas na bundok.


May matandang sumalubong sa amin ng papa at io pala'y lola ko. Tululoy kami sa malaki ng kubo kasama ng lolo ko. Pero di ko din naksama ang ama ko. Nagpaala sya na magtatrabaho daw sya sa Manila. lalong nalungkot ang musmos kamalayan. Bata pa lang ako para maranasan ko ang ganitong pait ng buhay.Di ko na makasama ang amma ko wala pa ang papa ko.Pangungulila araw at gabi. Natutunan ko na magtrabaho ng mga gawain bukid. Sa umaga nangunguha ako ng kangkong para ipakain sa baboy na alaga ng lola ko. Sa hapon naman bubuhusan mo ng tubig ang mga malalaking baboy pati na rin mga dumi nila ay malinisan. Minsan madalas walang ulam kaya ang nilalagay na lang sa kanin ay mantika o kaya asin na buo na ipahid sa mainit na kanin. Kung araw ng ani ng mais, mais na lang din ang bigas.Ang aming meryenda ay kamoteng kahoy. May panahon din na sasama ako sa pagtatanim ng mani sa tiyahin ko. Minsan naman sa isang tiyuhin ko ang magtanim ng mais o kaya mag ani ng tubo. Di ko naalintana ang sikat ng araw. kaya ang balat ko maitim. Kaya ang tuhod ko kaseng kulay na ng uling. Pero masaya sa bundok. kasama ang mga pinsan ko at mga trabahador.Sa pag-uwi namin nga bahay makikita namin ang ibang kamag-anak nagbibilad ng mais pagkagabi nagtitipon tipon kaming magkamag-anak para himayin ang mga mais o alisin ang mga butil.maraming mapagkakagamitan ng mais. maari itong maging popcorn,magsilbing biga,ipakain sa mamahaling tandang na panabong at marami pang iba.Inibenta it ng nakakatanda naming kamag-anak.



Palayan, ito talaga ang kinabubuhay ng pamilya namin. Kaya natutunan ko kung paano itinatanim ang palay. Sa simula na lumabas ang binhi sa butil ng palay at iknakalat ito sa putikan. Pag nabuhay na ang palay nagkakadikit dikit ito at dapat mong mapaghiwalay at itanim na magkakalayo ang bawat puno neto.Di ako nadidiri sa putikan. Ito na ang nagsisilbing playground ko. Di ko naranasan ang marangyang buhay na makapaglaro sa mga palaruan tulad ng sa Manila o mga nakikita ko sa mga libro.Masaya na ako na kasama ang mga pinsan ko na nag-uunahan kaming mag ani ng palay kung tag ani. May kanya kanya kaming karit. Lagi akong nangunguna kapag pabilisan at dami ng maaning palay. Dahil sa bilis ko ay nadisgrasyang ng karit ko halos ikaputol ng gitnang daliri ko. Ibinalik ko ang lumawit na dulo ng daliri ko at itinago ang sugatan kong daliri. Pero di rin lingid sa kaalaman ng lola ko nalaman din ito at napalo akodahil di mapigil ang dugo mula sa pagkakabalot ko ng damit sa daliri ko.








3 comments:

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
オテモヤン said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Unknown said...

Haist! Nasubuan ko ah. Pero bilib gid ko sa imo, sa naabot mo kag mga naagyan mo. Isa kang inspirasyon Maam.